MDARI nomination form
a calla call 2

We, believing that the people must be at the core of development;

Kami, naniniwala na ang mamamayan ang nararapat na nasa ubod ng kaunlaran;

Affirming our vital roles, in promoting the integrity of the environment, equitable economic growth and the welfare of our people in a democratic society;

Naninindigan sa mahalagang paggampan namin, sa pagsusulong ng integridad ng kalikasan, makatuwirang pagsulong ng ekonomiya, at kabutihan para sa mga mamamayan sa ilalim ng lipunang may demokrasya;

Recognizing that there is strength in unity among the basic sectors: the government, business and organized civilian;

Kinikilala na mayroong lakas sa pagkakaisa sa pagitan ng mga batayang sektor: ang pamahalaan, negosyo at organisadong sibilyan

Being aware of the current state of our environment, the deterioration of natural resources, particularly, the forest watersheds and rivers

Mulat sa kasalukuyang kalagayan ng ating kapaligiran, ang pagkasira ng mga likas-yaman, partikular, ang mga kagubatang kanlungan ng tubig at mga ilog;

Knowing that at least fifty (50) major rivers across the archipelago are now considered either dead or in critical condition;

Batid na hindi kukulangin sa limampung (50) pangunahing mga ilog sa kapuluan ang ngayon maituturing na patay o nasa kritikal na kalagayan;

Realizing the urgency to: minimize natural and man-made hazards, reduce exposure and vulnerability of our people and communities and mitigate the impacts of disasters;

Pinatototohanan na kagyat na kailangang: maiwasan ang mga panganib, likha man ng tao o natural, bawasan ang pagkalantad at kahinaan ng tao at komunidad sa mga sakuna, at pigilan ang matinding epekto nito;

In order to put a halt to ecological degradation and reverse the trend toward sustainable development

Upang mapigilan ang patuloy pagkasira ng kalikasan at bumalik sa landas tungo sa likas-kayang pagpapaunlad;

Now calling for cooperation among stakeholders to deepen our understanding of the local as well as the global situation affected by Climate Change;

Ngayon ay nananawagan para sa pakikiisa ng lahat upang palalimin ang ating pagkakaunawa sa kalagayang lokal at maging ng sandaigdigan na apektado ng Pagbabago ng Klima;

Persevering to improve our capabilities and capacities with the development people-centered natural resources management systems;

Pinagsusumikapang mapahusay pa ang ating kakayanan at kakayahan kasama ang pagpapaunlad ng mga sistema ng pamamahala sa likas yaman na nakasentro sa mamamayan;

Emphasizing the role of communities as a whole, with able support from government and the private sector, to guarantee ecological balance, specifically, in reviving the threatened rivers and other water resources;

Binibigyan-diin ang papel ng komunidad, sa kabuuan, sa tulong na rin ng pamahalaan at pribadong sektor, para tiyaking balanse ang kalikasan, tumutukoy, sa pagsalba sa nanganganib na mga ilog at yamang katubigan

Hereby, ascertain our commitment as we put our signatures on this manifesto to launch a nationwide campaign to Save Philippine Rivers, hence, supporting the programs of Sagip Pasig Movement which evolved Sagip Ilog Pilipinas Movement.

Dito, ay nagtitiyak ng aming tapat na saloobin, patunay ang aming paglagda sa pahayag na ito, upang ilunsad ang pambansang kampanya para Sagipin ang mga Ilog sa Pilipinas, at suportahan ang mga programa ng Sagip Pasig Movement na nag-usbong sa Kilusang Sagip Ilog Pilipinas

Done, this 15th Day of March, in the year of the Divine Creator, 2011.

Ginawa, ngayong ika-15 Araw ng Marso, sa taon ng Dakilang Lumikha, 2011.